Singer na nagkaroon ng problema sa lalamunan

Dear Roma,
Ako si Osea, 31 years old. Dati akong nagbabanda, kaya lang nagkaroon ako ng problema sa lalamunan, kaya ngayon ay hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpatuloy ang pagkanta. Nanghihinayang ako sa boses ko dahil ngayon ay sobrang malat na siya, hindi ko alam ang nangyari. Sana, mapayuhan ninyo ako. Salamat! — Osea
Osea,
Nakalulungkot ang nangyari sa iyo, bro! Alam mo, sa mga panahong may problema tayo, huwag kang mawalan ng pag-asa na masosolusyunan din ‘yan. Ang maipapayo namin sa iyo ay magpagamot ka at manalangin sa itaas na pagalingin ka Niya nang sa gayun ay mahawakan mo ulit ang mikropono at maiparinig ang iyong tinig na napakaganda. Huwag kang susuko! Go, go, go! God bless!





Comments