Sa harap mismo ng misis ng senatoriable… NAKARAAN NINA JINGGOY AT SHARON, IBINULGAR NI MAYOR SARA
- BULGAR

- May 7, 2019
- 2 min read

AMININ kaya o idedenay ni Sharon Cuneta ang ibinulgar ni Davao Mayor Sara Duterte na nanligaw noon sa Megastar ang muling tumatakbong senador na si Jinggoy Estrada pero basted ang anak ni Manila Mayor Joseph Estrada?
Sa idinaos kasing campaign caravan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa San Andres Sports Complex sa Maynila, napagkatuwaan ni Mayor Sara na ikuwento ang panliligaw noon ng senador sa kanyang idolong si Sharon.
Sabi ni Mayor Sara, “Alam n’yo po, ang idol ko na artista ay si Sharon Cuneta. Kahit araw-araw kami magpa-picture, gagawin ko ‘yan, hindi ako magsasawa.”
Nu’ng nalaman ito ni Jinggoy ay tumabi na kay Mayor Sara at nagkuwento ng kanilang nakaraan ni Mega.
“Idol mo pala si Sharon Cuneta, pareho tayo. Alam mo bang gustung-gusto ko rin ‘yang si Sharon Cuneta. Niligawan ko ‘yan,” ang kuwento raw ni Jinggoy kay Mayor Sara.
Tinanong naman daw ng presidential daughter kung ano’ng nangyari sa love story ng dalawa.
Sagot daw ng senatoriable, “Hay, naku, paano ka ba naman lalaban kay Gabby Concepcion?”
“Binasted siya ni Sharon Cuneta!” lahad pa ni Mayor Sara sa harap ng libu-libong dumalo sa campaign rally sa kapitolyo ng lungsod.
Hindi naman napigilan ni Inday Sara ang matawa sa panunukso kay Jinggoy, lalo’t isa sa mga nakikinig ang misis ng senatoriable na si Precy Vitug Ejercito.
Samantala, nagulat kami sa pagdagsa ng mahigit 33,000 supporters ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) Team One San Juan sa ginanap na grand rally sa Pinaglabanan Street, San Juan City nu’ng Linggo. Grabe, hitsurang fiesta ng Poong Nazareno sa dami ng tao.
Present siyempre ang mga opisyal na kandidato ng PMP San Juan na pinangunahan ni Sen. Jinggoy.
Dumating ang vice-mayoralty candidate na si Councilor Leonardo Boy Celles, Edu Manzano na tumatakbong congressman, Vice-Mayor Janella Ejercito Estrada na kandidato sa pagka-mayor at mga konsehal mula sa dalawang distrito ng lungsod ng San Juan.
Dinaluhan din ito ng iba’t ibang sektor at organisasyon ng nasabing lungsod gaya ng Muslim community, PWDs, Senior Citizens, Pink Ladies, Movement for Good Governance, Partido Magdiwang, JELS Army at iba pa.
Dumalo rin si Mayor Erap at ilang performers na sina Jinky Vidal, Duncan Ramos, Boobsie, Norman Mitchell at Ex Batallion.
Ang ipinagtataka namin ay bakit hindi yata dumating ang mga nakasamang artista ni Edu sa Ang Probinsyano sa grand rally para ipakita ang suporta sa daddy ni Luis Manzano?
Galit pa rin ba ang mga Vendetta kay President Lucas Cabrera?!
Charot lang! Baka busy pa sila sa bagong buhay nila ngayong nagbalik-loob na sila sa pamahalaan sa seryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin.





Comments