Pusher todas sa drug-bust
Pabs Hernandez III
May 7, 2019
1 min read
LAGUNA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Bucal, Calamba City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Alfredo Vivas, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na darakpin sa drug-bust operation si Vivas, pero pumalag ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments