PERFORMANCE NG ATLETA SA ARAFURA GAMES, AYOS!

KUNTENTO ang Philippine Sports Commission (PSC) sa naging performance ng mga atleta na sumabak sa 2019 Arafura Games sa Darwin, Australia.
Lahat ng 91 athletes na sumabak sa Arafura Games, karamihan ay top performers mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa ay nakapag-uwi ng medalya sa kabuuang 31 golds, 51 silvers at 34 bronzes. Ayon kay PSC national training director Marc Velasco, pinayagan ng kompetisyon ang regional athletes na makasabak para sa international exposure na mas makabubuti sa kanila upang maging ganap na national athletes.
Ang paglahok ng bansa sa Arafura Games ay bahagi rin ng grassroots development program ng PSC ni chairman William Ramirez kung saan ang top performers sa Batang Pinoy, Philippine National Games, at Palarong Pambansa ay sumabak. Pinuri ang tikas na ginawa nina trackter Abegail Manzano at muay athlete Ariel Lee Lampacan.
Samantala, sisimulan bukas ng Best Center Ateneo ang sesyon sa basketball at volleyball clinics sa parehong venue. Ang basketball clinics sa Ateneo college covered courts ay para sa mga estudyante sa Preparatory Level, Levels 1 at 2 para sa 9-11 years old at sa Level 5. Ang clinics ay mula 8-11:30 a.m. Ang Levels 1 at 2 para sa 12-years old and above at ang Levels 3, 4 at 6 ay sa 1:00-4:30 p.m. Ang volleyball clinics ay para sa Levels 1, 2 at 3 at para sa Mastery. Ang Malate Catholic School ay nag-aalok ng volleyball clinics, ayon kay Nic Jorge, founder at president ng Basketball Efficiency and Scientific Training Center.
Ang huling araw ng enrollment para sa basketball clinics sa Our Lady of Guadalupe Seminary ay nakatakda ngayong araw mula 8-11:30 p.m. Nakabukas din ang Starmall Alabang para sa mga estudyante na may edad 9 maging ang Christ the King Seminary.





Comments