top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

NU AT PERPETUAL, MAINIT ANG LARO SA D-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
May 7, 2019
2 min read

BAGAMAT wala na sa kontensiyon, patuloy ang magandang laro ng SMDC-NU makaraang gapiin ang Wangs Basketball, 102-71, sa 2019 PBA D-League playoff race kahapon sa larong idinaos sa JSCGO Gym sa Cubao.Dahil sa panalo, ang ikatlong sunod para sa Bulldogs, umangat sila sa markang 3-5 habang hinatak nitong pababa sa top 4 ng Foundation Group ang Couriers.

Mula sa dikit na laban sa unang tatlong quarters, kumalas ang Bulldogs sa bungad ng final period kung saan itinala ang pinakamalaking kalamangan nila sa laro na 32-puntos sa iskor na 88-53, kasunod ng isang lay-up ni Shaun Ildefonso.

Pinamunuan ng kanilang Senegalese center na si Issa Gaye ang panalo ng Bulldogs nang tumapos itong may 13 puntos at 9 na rebounds kasunod si Niko Abatayo na may 12 puntos at Dave Ildefonso na may 11 puntos at 5 rebounds. “Good thing is we’re finishing strong and that’s a great sign for us. We’re playing better defense, moving the ball well, and the roles are being defined better,” wika ni SMDC-NU coach Jamike Jarin. “I’m happy with the way we performed, but I hope it could’ve come a little bit earlier.”

Bunga ng panalo, nagtabla sa markang 3-5 ang dalawang koponan habang sumadsad ang Couriers na pinamunuan ni Denzel Wong na may 17 puntos sa ika-apat na dikit nilang kabiguan.

Sa isa pang laro, nagsanib puwersa sina Tonton Peralta at Edgar Charcos upang pamunuan ang University of Perpetual sa 86-75 na panalo kontra CD14 Designs-Trinity University. Si Peralta na tumapos na may 33 puntos, 5 rebounds at 4 assists ang namuno sa maaga nilang break­away na nagresulta ng 22-puntos na kalamangan sa third quarter.

Si Charcos na nagtapos na may 15 puntos, 8 rebounds at 4 assists ang nagtala ng pito sa kanilang huling walong puntos upang selyuhan ang panalo na nag-angat sa kanila sa 2-5 na baraha sa Foundation Group.

Nanguna si John Tayongtong para sa White Stallions na nasadlak sa ikawalong dikit na pagkabigo sa ipinoste nitong 20 puntos, kasunod si Bobby Balucanag na may 18 puntos at 12 boards. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page