Matapos palagan | BITAY SA HOMOSEXUAL, HINDI TULOY
INIANUNSIYO ng Sultan of Brunei na hindi na nito itutuloy ang pagpapatupad ng death penalty laban sa gay sex matapos makatanggap ng malawakang kritisismo.
Naglabas ng moratorium si Sultan Hassanal Bolkia upang ipakansela ang death penalty.
Ito ay upang mapahupa ang pambabatikos mula sa international personalities, kabilang sina George Clooney at Elton John.
Samantala, maraming multinational companies ang nagpatupad ng ban sa pagbu-book ng hotels ng sultan, gayundin, ilang travel companies ang huminto sa pagpo-promote sa Brunei bilang tourist destination.
Matatandaang, April 3 nang maging epektibo ang Sharia Law kung saan ang mapatutunayang guilty sa gay sex, adultery at rape with death ay hapan ng kamatayan.
Naniniwala ang Sultan of Brunei na sa oras na mabigyang-linaw ang Sharia Law, maiintindihan ng mga tao ang merito ng batas.
“I am aware that there are many questions and misperceptions with regard to the implementation of the [Syariah Penal Code Order] SPCO. However, we believe that once these have been cleared, the merit of the law will be evident,” ani Bolkia.





Comments