Malinaw ayon sa palad... BEBOT NA NAKATAKDANG MAKASUMPONG NG WAGAS NA PAG-IBIG
- BULGAR

- May 7, 2019
- 1 min read

KATANUNGAN
Bakit ganu’n, Maestro, ang dami-rami kong naging boyfriend, pero walang nagtagal?
Ano ang masasabi ninyo sa aking kapalaran, lalo na sa love life?
Gusto kong malaman kung nasa guhit ba ng aking mga palad na ako ay makapag-aasawa at magkakaroon ng maligayang pamilya, balang-araw?
KASAGUTAN
Kapansin-pansin ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na medyo mahaba. Kasabay at dagdag pa nito, may biglaang pagdating na sinabayan pa ng guhit ng biglaang pagdating ng lalaki na sumama sa Fate Line (Drawing A. at B. K-K arrow b. at F-F arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Ito ay malinaw na tanda nang biglaang pag-aasawa at nagsasabi ring kahit na huwag ka na munang tumanggap ng manliligaw o maghanap ng magiging boyfriend ngayon, nakatakda na ang mangyayari kung saan walang duda, kung sino pa ‘yung lalaking hindi mo inaasahan, siya ay biglang darating upang magtapat ng pag-ibig sa iyo at bigla ka na lang mai-in love at aalukin ka niya ng kasal.
Upang minsan pa, kusang tutugma sa iyong karanasan ang kasabihang, “ang wagas na pag-ibig, hanapin mo man o hindi ay kusa ring darating at lalapit sa takdang panahong inilaan ng kapalaran”!
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Mitch, tiyak ang magaganap, sa hindi inaasahang sandali at lugar, biglang lulutang ang lalaking medyo balingkinitan ang pangangatawan at sakto lang ang height at disente ang dating, siya ang nakatakda mong maging boyfriend hanggang sa tuluyan mo na ring mapangasawa na mangyayari sa susunod na taong 2020, sa edad mong 29 pataas.




Comments