Eroplano nagliyab, 41 patay
PATAY ang 41 katao matapos magliyab ang Sukhoi Superjet 100 na galing sa Moscow.
Ayon sa Investigative Committee ng Russia, sa 78 sakay ng eroplano, 37 ang kumpirmadong nakaligtas.
Ang Aeroflot Flight SU 1494 ay patungo sa Murmansk, Russia nang agad bumalik matapos ang kalahating oras makaraang mag-take-off.
Sa CCTV footage, makikitang tinangka ng eroplano na lumapag at nagliyab ang bahagi ng makina nito.
Nabatid na 78 katao ang sakay ng naturang eroplano kabilang ang 73 pasahero at 5 crews.
Ayon sa Russian Health Ministry, mayroon ding mga naitalang nasugatan.
Ipinag-utos na ni Russian President Vladimir Putin na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa insidente.





Comments