top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

BACOOR STRIKE AT MANILA MALULUPIT SA M-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
May 7, 2019
2 min read

NANATILING walang bahid dungis ang Bacoor Striker sa serbisyo habang ang Manila-INGCO ay na­kapagtarak ng makasaysa­yang panalo sa mainit na laro sa Metro League Rein­forced (Second) Conference noong Sabado ng gabi sa Hagonoy Sports Complex sa Taguig.

Nagwagi ang Striker sa 80-77 laban sa home team Taguig Generals upang pa­lawigin ang unbeaten streak sa anim na laro na may im­port na M-League con­fe­rence na suportado ng MMDA, PBA at Barangay 143.

Nakagawa si dating FEU reinforcement Prince Orizu ng double-double 18 puntos at 9 rebounds upang pangunahan ang road team Bacoor na muntik pang ma­talo sa papakulapsong mi­nuto.

Matapos ang tatlong sunod na quarters, nagawa ng Bacoor na lumamang sa 77-69 sa nalalabing 1:22 minuto hanggang sa layup ni Mark Montuano bago na­karesbak ang Generals ng 75-77 sa huling 43 segundo.

Suwerteng naka-rescue si Orizu sa league-leading Strikers, sa bisa ng dunk up ang selyuhan ang deal sa Bacoor na nanatiling un­de­feated team sa M-Lea­gue.

Naka-backup din kay Nigerian Orizu si Montuano na may 14 puntos habang si Mark Doligon at Paolo Cas­tro ay may tig-11 puntos. Nakadale si Import Emma­nuel Ojuola ng 25 points at 9 rebounds pero nasayang sa Taguig na sumadsad sa 2-3 sa South Division ng M-League.

Samantala, ang ma­agang pagbanat ng Manila Stars ay hindi naging sagabal sa ka­nila upang manatiling highest scoring record ng season sa M-League nang magwagi sa 147-142 kontra Pasigue­ños.

Nakabasket si dating PBA player Carlo Lasti­mosa ng 31 puntos at 5 re­bounds sa loob ng 20 minuto na laro upang pamunuan ang Stars na may pinasabog na 46 puntos sa unang quarter para mamuno sa 77-64 matapos ang dalawang quarters na may pinakama­taas na scoring sa halftime ng M-League history.(MC/VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page