Araw-araw daw nanghihingi… GATAS NG KAMBAL NI KORINA, GALING SA IBA'T IBANG NANAY
- BULGAR

- May 7, 2019
- 3 min read

FOR the first time ay ipinakita na ng mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez sa entertainment press ang kanilang baby twins na sina Pepe and Pilar.
Sa lunch tsikahan nina Mar and Koring na ginanap sa kanilang mansion sa Cubao, masayang nagbigay ng panayam at nagpa-photo opportunity ang mag-asawa kasama ang 3-months-old na kambal.
Hindi pa namin matukoy kung sino ang kamukha ng dalawang babies, pero ang masasabi lang namin, pagka-cute-cute nila.
In an interview with Ate Koring, she shared na hindi niya maipaliwanag kung ano ang eksaktong feeling nang maisilang na ang kanyang mga anak at isa na siyang ganap na ina.
“Hindi immediate ‘yung pag-sink-in nu’ng motherhood lalo’t hindi ako ang nagdala. Parang medyo strange. You know when people were asking me, ‘Are you excited? Are you excited?’ hindi ako makasagot kasi parang…
“Eh, ang busy-busy ko sa trabaho. Up to the last minute before I boarded the plane to Pittsburgh (Pennsylvania, USA kung saan isinilang ang kambal), I was so busy. So, parang hindi mo maramdaman,” pahayag ni Korina.
Patuloy niya, “Nu’ng dumating ang mga bata, ‘Ay, okay, tao, humihinga siya,’ ganu’n. Tapos, hindi rin ako masyadong maka-bond because I have caregivers, ‘di ba? Hindi naman ikaw ‘yung super-kasama niya.
“Pero unti-unti, day by day, nadaragdagan ‘yung parang enjoy(ment). It’s not immediate. Talagang it builds and builds. And now that they can see, they’re interactive, ayan na. Parang medyo bumubuhos na ‘yung connection, ‘yung bonding.”
At first ay ang dami raw niyang fears and worries na tinatanong pa niya ang sarili kung weird ba siya.
“Ano ‘to, post-partum? Hindi naman ako nanganak,” natatawa niyang sabi.
Matatandaang ipinanganak sina Pepe and Pilar noong Pebrero sa pamamagitan ng isang surrogacy kung saan ay dinala ng isang babae sa sinapupunan ang babies pero ang sperm and egg cells (embryo) ay galing mismo kina Korina at Mar.
Ani Koring, isa lang dapat talaga ang balak nila at hindi kambal.
“Si Mar ang may gusto ng kambal, gusto pa yata triplets. Sabi ko, ‘Malakas ang loob ni lolo!’ I think it’s because he feels strong. He’s strong, eh, much stronger than me,” sey ng broadcast journalist at host ng Rated K.
Pero they settled for twins dahil ayaw na raw ng surrogate mom ng triplets.
“Usually raw kasi ‘pag tatlo, dalawa lang (ang nabubuo). It’s really a miracle because it’s not usual that dalawa talaga mag-survive. Kung minsan nga, wala. Uulit ka nang uulit and that was our worry, kasi nga, baka maubusan ng embryo.”
What’s amazing pa nga ay babae at lalaki pa ang nabuo kaya naman miracle raw talaga.
Breastfeeding ang ginagawa niya sa mga anak at talagang parati raw siyang nag-e-emote ng breast milk sa mga nanay na kapapanganak lang.
“Araw-araw akong nanlilimos (ng breast milk),” sambit niya.
Meron naman daw tayong breastmilk bank pero konti lang ang ibinibigay dahil sa dami ng nangangailangan. At hindi naman daw puwedeng bilhin kundi talagang nag-a-allot lang ng certain amount sa bawat mommy in need.
“Ayoko namang kumuha sa ospital kasi idino-donate ‘yan para sa mga premature (babies). Ayoko nang makiagaw du’n. So, I have friends or the daughters of my barkada na meron nang mga babies, doon ako nakikihingi,” she said.
Hangga’t kaya niyang makakuha ng breast milk ay gagawin daw niya hanggang sa 1 or 2 years old na ang mga bata.
“Talagang pump pa more,” natatawa niyang sambit.
Nang makausap naman namin si Mar, natanong siya kung susundan pa ba ang kambal at aniya ay hindi na siguro. He’s already 61 and Korina is 54.
“‘Pag debut nito, 80 na ako, ‘di ba?” natatawang sabi ng senatorial candidate.
Wala naman daw regret na bakit ngayon lang nila ito ginawa or sana, mas inagahan pa nila.
“Naisip din namin ‘yun pero alam mo, everything is in its right time. Kung inagahan namin, baka… busy siya, busy ako, I mean, ‘di ba?
“Ngayon, parang dumating kami sa punto sa buhay namin na eto ‘yung ating gustong gawin,” pahayag ni Mar.





Comments