Wa' na paki sa ex-GF, ayaw na ring pag-usapan… BENJAMIN, DEDMA KAHIT TODO-BUYANGYANG NA SI JULIE
- BULGAR

- May 6, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

TANONG ng mga shippers dati ng ex-showbiz couple na sina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose, hindi ba nagsisisi ang Kapuso actor na naghiwalay sila ng singer-actress?
Kaya ganito ang tanong ng sumuporta sa real love team ng dalawa dati ay dahil kung kailan break na, saka naman inilabas nang husto ni Julie Anne ang kanyang kaseksihan.
Sunud-sunod ang pagpo-post nito ng sexy photos niya, kundi naka-two-piece swimsuit, kita ang cleavage, ang hita at sexy ang mga isinusuot. Kaya, laging nababasa ang comments ng mga netizens na “sexy,” “grabe,” “wow” at iba pa na tiyak nababasa ni Julie.
Hindi lang kami sure kung nakikita pa ni Benjamin ang mga photos ni Julie dahil hindi na siya nagla-like sa ipino-post ng ex-GF. Nakiusap na rin ito nang ma-interview sa pictorial ng Dahil sa Pag-ibig na ‘wag na siyang tanungin sa breakup nila.
Malapit na ang presscon ng Dahil sa Pag-ibig kung saan kasama si Benjamin sa cast bilang asawa ni Sanya Lopez. Makaiwas kaya siya sa mga tanong ng press people sa kanyang love life?





Comments