top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

UP, NAGKAMPEON SA UAAP BALLROOM FORMATION

A. Servinio
May 6, 2019
1 min read

NANATILI sa kamay ng University of the Philip­pines ang kampeonato ng Latin Category sa pagtata­pos ng 81st University Ath­letic Association of the Phi­lippines (UAAP) Ballroom For­mation Competition noong Biyernes ng hapon sa Quadricentennial Pavilion ng University of Santo To­mas. Subalit hindi nawalis ng UP ang kompetisyon nang gulatin sila ng UST Si­nag Ballroom Dance Com­pany sa Standard Category.

Pinili ng UP na suma­yaw sa mga kanta ng APO Hiking Society at ito ay na­kakuha ng 92.1 puntos sa mga hurado at tatlong pun­tos na penalty para sa iskor 89.1. Malayo ang UST na wa­lang penalty para sa bu­ong 84.8 puntos habang pumangatlo ang Far Eastern University na may 77.4 pun­tos.

Dalawang paaralan lang ang lumahok sa Standard Ca­tegory at naging mahigpi­tan ang laban ng UST at UP kung saan wala pang isang puntos ang humiwalay sa da­lawa, 89.1 at 88.2. Nabig­yan ng tatlong puntos na penalty ang UP para lumayo ng tuluyan ang UST.

Ito ang pangalawang pagkakataon na ginanap ang Ballroom Formation at tu­lad ng unang edisyon noong Season 79, ito ay demonstra­tion event. Hindi ginanap ang palaro noong 2018.

Nagwagi ang UP sa parehong Latin at Standard noong 2017. Napunta sa UST ang pangalawang pu­westo sa dalawang kate­gorya habang ang ikatlong pwesto sa Latin ay nakuha ng University of the East ha­bang ang De La Salle Uni­versity ang ikatlo sa Stan­dard ngunit, pinili nila na hin­di sumali ngayon.

Bilang demonstration sport, hindi ito kasama sa puntos para malaman kung sino ang pangkalahatang kampeon ng buong UAAP para sa taon. Inaasahan na mas maraming paaralan ang lalahok sa susunod na taon at maging isang ganap na disiplina ito sa UAAP.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page