top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tuta na muling nabuhay

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Ella ng Ella_May@facebook. com

Dear Professor,

Namatay ‘yung tuta namin last April 12 at si­nisisi ko ang sarili ko kung bakit siya namatay.

After ilang days ay nanaginip ako. Pagla­bas ko ng kuwarto ay na­kita ko ‘yung tuta namin, hinarot ko siya at may bumulong sa isip ko na pakainin ko siya dahil mayroon daw pagkain sa refrigerator.

Pagbukas ko ay may spaghetti, pero nakala­gay sa lanyera, kaya ku­muha ako ng isang hib­la, pero may bulong sa akin na pakainin ko pa raw.

Tapos, pagharap ko sa ref ay kumuha ulit ako ng isang hibla, pero, pag­harap ko sa tuta ay wala na siya ru’n. Pu­munta siya sa kuwarto, pero, medyo malayo sa akin.

Ang naiisip ko nu’n, galit siguro siya sa akin. Tapos, napatingin ako sa anino niya na nasa la­pag.

Nakaharap ‘yung ulo niya sa kabila, kum­baga, parang nakatali­kod siya, pero ‘yung ani­no niya ay nakaharap sa akin, tapos, tinawag ko siya, pero ayaw niyang humarap.

Natuwa ako at iti­nuro ko sa mga kapatid ko ‘yung anino, ang sabi ko sa kanila, tingnan ninyo ‘yung anino, oh. Parang natauhan ako na ewan at naalala ko na gigising ako ng alas-9:00 ng uma­ga.

Idinilat ko ang aking mga mata at pagdilat ko ay du’n ko naalala na pa­tay na nga pala ang tuta namin.

Tapos, pagtingin ko sa orasan ay alas-9:51 a.m. na.

Naghihintay,

Ella

Sa iyo Ella,

Kadalasan, ang mga mahal natin sa buhay ang ating napananaginipan, kaya hindi nakapagtataka kung mapanaginipan mo ang tuta o aso na mahal mo, iha.

Kaya natin sila napa­na­naginipan ay dahil may mga bagay tayong dapat ginawa para sa kanila, pero hindi natin nagawa.

Ito ay mas lalong na­kikita o nangyayari sa mga ma­hal sa buhay na patay na.

Ito ang katotohanan kaya rin napanaginipan mo ang mahal mong tuta. May mga dapat ka sa­nang ginawa para sa kanya, pero tulad ng na­sabi na sa itaas, hindi mo ito ginawa.

Gayunman, ang iyong panaginip ay panandalian lang, as in, mawawala na rin siya sa mga panaginip mo.

Para mabilis mong ­ma­kalimutan ang tuta mo, isipin mo na lang ang ta­ong gustung-gusto mong mapasaiyo.

Kumbaga, ang tuta na mahal mo ay palitan mo ng lalaking mahal mo. Puwede rin ang maging laman ng isip mo ay ‘yung mga pangarap mo sa bu­hay, gayundin, ang mga lugar na gusto mong pun­tahan.

Kung sakaling payapa na ang mahal mong tuta, paniguradong makamu-move-on ka na.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page