Tensiyon sa Libya 187 patay
Jersey Sanchez
May 6, 2019
1 min read
UMABOT na sa 187 katao ang nasawi habang 1,157 ang nasugatan dahil sa lumalalang tensiyon sa southern Tripoli, Libya.
Ayon kay Tarek al-Hamshiri, pinuno ng Field Medical Centre, inilipat ang mga sugatang biktima sa Tunisia, Turkey, Italy at Ukraine upang malapatan ng lunas.
Nabatid na tumagal na ng limang linggo o mahigit isang buwan na ang kaguluhan sa lugar.





Comments