top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

TAGUMPAY NI TANKER MOJDEH SA PALARO, ITATAYA MULI SA ABROAD

Clyde Mariano
May 6, 2019
1 min read

MATAPOS ang mata­gumpay na kampanya sa Batang Pinoy Luzon Leg, muling itataya ni Filipino-Iranian Micaela Jasmine Mojdeh ang kanyang in­ternational credential na nakamit sa iba’t-ibang overseas swimming com­petitions, kontra sa mga bigating makakalaban sa Ca­nada Swimming Cham­pionship na gagawin ba­go matapos ang buwan sa Mississauga sa On­tario.

Dala ang limang gin­tong panalo bilang morale booster at birthday gift sa kanyang sariling14th year na kaarawan sa Hunyo 7, makikipagsabayan si Moj­deh sa mga kalaban at determinado ang 13 years old swimming won­der na bigyang muli ng karangalan ang ‘Pinas.

“Ang goal ko ay ma­nalo. Gagawin ko ang lahat upang bigyan ng karangalan ang bansa,” sabi ni Mojdeh kasama ang kanyang Pinay na ina na si Joan na dati ring swimmer.

Ang paglahok ni Moj­deh sa Canada ay bilang paghahanda sa Batang Pinoy national finals sa Hulyo sa Bacolod at South­east Asian Games na ga­gawin sa Nobyembre sa bagong gawang New Clark City Sports Complex.

Nanalo si Mojdeh sa 50m (butterfly), 100m (but­terfly), 200m (free­style), 100m (freestyle) at 50m (freestyle) sa Batang Pinoy Luzon Leg. Ito rin ang events na lalanguyin niya sa competition sa Ca­nada.

Hindi sumali si Moj­deh sa katatapos na Pa­la­rong Pambansa na gi­nawa sa Davao na muling di­nomina ng perennial over­all champion National Capital Region.

Nagsimula si Mojdeh na lumangoy sa edad 6. Lalahok si Mojdeh sa 30th Southeast Asian Games na gagawin sa Nobyem­bre 30-December 11 sa New Clark City Sports Complex.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page