Rapist nasakote
Pabs Hernandez III
May 6, 2019
1 min read
ISABELA—Isang rapist ang dinakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Rizal, Roxas sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Edmark Mauricio, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng pulisya si Mauricio sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban si Mauricio nang arestuhin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments