Most wanted criminal tiklo
Pabs Hernandez III
May 6, 2019
1 min read
CAGAYAN—Isang most wanted criminal ang inaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Bulala, Camalaniguan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Mario Agluba, residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kasong attempted homicide ay dinakip ng mga awtoridad si Agluba sa nasabing lugar.
Kusa namang sumama si Agluba sa mga awtoridad nang dakpin siya sa nabanggit na barangay.





Comments