top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga pasaway na kandidato, ‘wag iboto!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2019
1 min read

ISANG linggo na lang at halalan na.

Dibdiban na rin ang diskarte para sa ikapapanalo at ikatatalo ng kalaban.

Kaugnay nito, hindi maiwasang may mga lumalabag sa batas ng eleksiyon.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), lalong nadaragdagan ang bilang ng mga kandidatong pasaway!

Kabaligtaran sa inaasahan sa kabila ng paghihigpit sa pagpapatupad ng iba’t ibang panuntunan.

Ang masaklap, tila sinasadya ng mga kandidato na magpasaway. Umpisa palang ng campaign period, inilatag na ang mga puwede at bawal.

Tulad ng paglalagay ng campaign posters sa common posting areas pero, dahil nagiging agresibo ang mga kandidato at kanilang supporter, ang simpleng batas, nababastos na.

Kaya tiniyak ng Comelec na magiging agresibo rin sila sa paghahanap ng paraan upang maparusahan ang mga pasaway.

Bilang botante, dapat nating kilalaning mabuti ang mga kandidatong iboboto natin.

Tandaan natin, na ang mabuting lider ay may kakayahang sumunod sa batas.

Huwag tayong magpadala sa mga kandidatong nagkalat ang pagmumukha sa mga kalsada, mga epal!

Doon tayo sa kandidatong hindi maingay, pero may kakayahang mamuno, maging magandang halimbawa sa nasasakupan at magsisilbi nang tapat sa bayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page