INTERNATIONAL RACE, TARGET NG MAGKAPATID NA GABRIEL


DALAWA sa bata at sikat na motocross riders na pawang magkapatid ang pakay na ipagpatuloy ang pagsungkit ng karangalan hindi lamang sa Luzon, Visayas at Mindanao kundi maging sa international racing scene.
Sina Pia Gabriel na tinaguriang Princess of Philippine motocross at nakababatang kapatid na si Ompong ay nagsabing ang kanilang pangarap ay makalahok pa sa mas maraming international races upang patuloy na makapagbigay ng karangalan para sa bansa.
Ang dalawa na parehong tubong Nueva Ecija ay naka-podium sa Thailand motocross event.
Dahil diyan dumami ang kanilang fans sa racing skills at hinangaan nang husto sa tuwing haharurot sila sa local motocross event.
“There are hundreds of motocross events watched by huge crowd all over the country,” ayon kay Gabriel, isang Wesleyan University student.
“It’s not as popular like basketball, boxing or volleyball due to lack of exposure but we’re getting there.”
Sa pagbisita nila Gabriel sa lingguhang Tabloids Organization in Philippines’ Usapang Sports noong Huwebes sa National Press Club.
Kasama nila ang kani-kanilang mga supporter at inang si Rosanna.
Tinatayang ang 16-anyos na si Ompong ang siyang hahalili sa trono na kinauupuan ngayon ng highly-talented na si Bornzkie Mangosong ng Team United Athletes Mindanao.
Si Pia naman ang leading lady rider ng bansa dahil sa pagharurot niya sa MMF Supercross at nakakalaban niya ang male riders sa Amateur Open Production ng lahat ng edad at kasarian sa Round 3 ng Supercross sa MX Messiah Fairgrounds sa Taytay, Rizal.
Binanggit din ni Pia ang mga katulad nina Janelle Saulog, Jasmin Jao, Quiana Reyes at riders mula sa Mindanao ang pinakadikit niyang competitor.
Nangunguna si Pia sa pangkalahatang karera sa ladies class ng MMF overall race sa ladies class ng MMF Supercross sa bisa ng 97 points, kasunod ni Jao na may 83 puntos at Reyes na may 82 puntos.
Sinabi ni Ompong na humahanga siya kay Mangosong, Glenn Aguilar at walang kupas na si Saulog.
“I have a lot to learn from them and they always give me the tips to improve,” ayon kay Gabriel. Pumangatlo si Gabriel sa centerpiece Shell Advance Pro Open sa Round 4 ng serye. Hawak niya ang kabuuang 74 puntos.
Nanatiling perpekto si Mangosong sa kanyang ika-4 na straight win sa 100 puntos, 14 points na nauuna sa pangalawang si Ralph Ramento. (MC)





Comments