top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dapat ka ring dumaldal kahit papaano, lodi! MGA PARAAN PARA MAKA-SABAY SA TRIP NG IBA

  • Ms. Ella
  • May 6, 2019
  • 1 min read

No Problem

MADALAS, isa sa mga problema ng tao ay ang pagiging out-of-place, ‘yung ti­pong nahihirapan siyang makisabay sa trip ng iba dahil bago pa lang siya sa school o company. Pero, don’t worry dahil we got you, lodi! Narito, ang mga paraan para hindi maging aloof sa mga bagong makasa­salamuha:

1. LEARN TO ADAPT. Siyempre, dapat marunong kang mag-adjust para matu­wa sa iyo ang mga taong nakasasalamuha mo. Sa ganyang paraan, may tsansa na pagkatiwalaan ka nila kaagad.

2. INFLUENCE. Dahil natuto kang mag-adjust, why not, ikaw naman ang mang-impluwensiya sa kanila kahit sa mga simpleng pag-uugali o paniniwala mo lang.

3. DON’T ACT WEIRD. Huwag kang ma-awkward para hindi ka nila kainisan, lalo na at bago ka palang nila kakilala, kapag nalaman nilang weird ka, baka layuan ka kaagad nila.

4. BE POSITIVE. Palagi kang mag-isip ng mga positibong bagay nang sa gayun ay mahatak nito ang ibang tao kung saan sa oras na makilala ka nila, ma­sasabi nilang masarap kang kasama.

5. KNOW YOUR STRENGTH. Alamin mo ang iyong kaka­yahan upang kahit papaano ay mayroon kang maipagmamaya­bang sa maayos na pamamaraan. Hindi natin sinasabing ma­ging mahangin ka, ha? Okie?

Oh, ‘di ba, simple lang? Huwag kasi ninyo kaaawaan masyadong ang inyong sarili nang sa gayun ay ma-boost ang inyong self-confidence.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page