top of page
Pokwang.jpg

Babala ni Maestro... KATOTOHANAN TUNGKOL SA MGA BAGAY NA NAKAATANG SA BALIKAT NG TANDANG

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2019
2 min read

SA pagdedesisyon at pagbibigay ng payo, sinasabi ring madalas na naka­atang sa balikat ng Tandang kahit hindi sinasadya ang tinatawag na “devil’s advocate”.

Kung saan dahil inaakala niyang siya ay matalino, iniisip din niyang siya ay magaling at mahusay na tagapayo at sa lahat ng problemang dapat bigyan ng solusyon ay palaging may kakaiba at pambihira siyang paraan na hindi kayang isipin ng pangkaraniwan.

Ganu’n kahusay o kabagsik ang kanyang pag-aanalisa kung saan ‘yung tama ay nagagawa niyang mali habang ‘yung mali ay nagagawa niyang tama.

Ito ay ginagawa niya sa pakiki­pagdebate na kung minsan ay naga­gawa niyang pumanig sa akala ng iba ay mali, pero kayang-kayang panindigan ng Tandang na ito ay tama.

Ibig sabihin, ang Tandang, bukod sa mahusay mag­paliwanag, magaling din siyang mangumbinse, lalo na kung ang pinag-uusapan ay tungkol sa mali at tama.

Dagdag pa rito, dahil alam ng mga Tandang na ma­talino sila, hindi rin sila pumapayag na sila ay matalo kaya bago pumusta o pumili ng papanigan ay sinisigurado ng Tandang na ang papanigan niya ay mananalo.

Sa sandaling naramdaman niyang maaaring matalo ang kanyang pinanigan, siguradong gagawa at gagawa ng paraan ang Tandang upang ang pinanigan niya ang manalo. Ibig sabihin, masarap kakampi o kasama ang Tandang sa panahon ng labanan dahil takot silang ma­talo.

Ang ikinaganda pa sa Tandang, dahil nga palaging nag-iisip at may angking katalinuhan, nagagawa ni­yang maging simple ang kumplikadong mga bagay.

Kaya kahit anong mabibigat na problema ang dumating sa buhay ng Tandang, hindi niya ito iindahin dahil para sa kanya, ang mga kumplika­dong bagay na ito na kanyang pinoproblema nga­yon, bukas ay simpleng-simple lang niya itong maso­solusyunan.

Kaya lang ang nakatutu­wang parte sa diskarte ng Tan­dang ay ganito, kapag ang prob­lema ng Tandang ay sim­ple, ito ay nagiging kum­pli­kado.

At dahil nga sa napaka-complex na mga selula ang ini­lagay ng langit sa utak ng Tandang, ang mas binibigyan niya ng prayoridad ay ang pag­nenegosyo, panga­nga­lakal at pagpa­payaman.

Tunay ngang magiging maligaya ang buhay ng Tandang kapag nagkaroon siya ng asawa o makakasama sa buhay na hindi masyadong kumplikado ang iniisip, sa halip, babae o lalaking may simpleng trabaho, simple kung mangatwiran, simple lang ang ganda at may pangarap sa buhay.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page