top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

AKLAT Ni: Ronalyn Seminiano Reonico

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2019
1 min read

Ang mga tao’y parang aklat.

Ang iba’y nagsasalaysay ng romansa.

Ang iba’y may mapanlinlang na baluti.

Nagsasabing sila’y bagong lathalain,

ngunit ang katotohana’y

lumang istorya ang taglay.

Ang aklat ay dapat buklatin at basahin

upang malaman ang kanyang halaga.

Kung ang iyong ekspektasyon at nais

sa aklat ay ‘di matagpuan at makita,

bitawan mo ito, itabi’t iwanan dahil

baka sa iba, ito’y maging dapat.

Ang tagabasa ang siyang nagtatangi.

Hindi ang aklat ang pumipili sa atin.

Tayo ang pumipili ng aklat na babasahin.

At matapos ang mahabang pagsasaliksik,

paghahanap at pagsisiyasat ng mga aklat sa silid,

ika’y pipili ng nag-iisang aklat na iyong iuuwi sa tahanan.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page