6TH TITLE NG BLAZE SPIKERS, HOORAH KINA BELL AT NIEMER


ANG kabiguan ng Petron na ma-sweep ang laro ay tila naging blessing in disguise dahil sila rin ang nakasungkit ng Philippine Superliga Grand Prix title na sinaksihan ng jampacked crown noong Sabado ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Aminado si Head coach Shaq Delos Santos na matapos ang pagkatalo sa F2 Logistics noong Game 1 ng kanilang best-of-three finals showdown, agad siyang nagdaos ng open-forum session upang bigyan ang kanyang players ng tsansa na magmuni-muni at muling iestablisa ang kanilang prayoridad. Naging emosyonal ang meeting kina American imports Stephanie Niemer at Katherine Bell na nangakong bigyan ang Blaze Spikers ng back-to-back title sa prestihiyosong women’s club league. Tinupad naman nina Niemer at Bell ang kanilang mga pangako nang palakasin ang Blaze Spikers sa impresibong 26-24, 25-19, 23-25, 25-19 na panalo ng team sa Game3 at pormal na hamigin ang ikaanim nilang titulo sa torneo.
Si Niemer ang bumuhay sa scoreboard sa bisa ng 31 points habang si Bell ay may nabakas na 16 markers para sa Blaze Spikers na nakabalikwas sa third set na pananamlay tungo sa winning title. Naging Best Scorer si Niemer, ang hard-serving Kentucky native ng United States national women’s team ng nakaraang taon at Most Valuable Player awardee, na siya niyang binawi mula sa pagkatalo ng nakaraang tatlong taon nang sumurender siya at ang Blaze kina Lindsay Stalzer, Ariel Usher ng Foton Tornadoes sa isang finals series.
Napunta kay Bell ang Best Opposite Spiker diadem habang si Rhea Dimaculangan ang Best Setter kasunod ng title series.
Nananatiling naniniwala si Delos Santos na ang pagkatalo nila sa Game 1 ang nagpainit sa kanila, pinawi ang kaba at naging kumpiyansa. Sa bisa ng 17-game winning streak. “Our loss in Game 1 served as the turning point,” ayon kay Delos Santos, na dating assistant coach nang rumehistro ang Petron ng 13-0 sweep sa All-Filipino Conference noong 2015. (MC)





Comments