Sa mga desidido nang magbawas ng timbang… 6 WAYS PARA PUMAYAT KAHIT DEHINS NAGWO-WORKOUT
- Jersey Sanchez
- May 5, 2019
- 2 min read

WORKOUT plus diet — maraming naniniwala na ito ang perfect combination para tuluyan na tayong pumayat. Mga besh, alam ba ninyo na kering-keri ninyong magbawas ng timbang sa natural na pamamaraan? Oo, besh, kaya narito ang ilang paraan ng pagbabawas ng timbang na hindi nangangailangan ng workout:
1. DON’T CLEAR THE TABLE. Pagkatapos kumain, huwag kaagad ligpitin ang pinagkainan mo nang sa gayun ay makita mo kung gaano karami ang iyong nakain. Gayundin, magsisilbi itong paalala na huwag ka nang kumain sa tuwing ikaw ay busog na.
2. FOLLOW AN EATING SCHEDULE. Bagama’t, mahalagang alamin kung ano ang mga dapat mong kainin, gayundin ang oras ng pagkain. Ayon sa mga eksperto, ang hindi pagkain ng buong araw ang nagiging dahilan kung bakit mas maraming nakakain ang indibidwal. Gayunman, inirerekomenda na kumain ng kaunti, ngunit, malusog na pagkain ng ilang beses kada araw para maiwasan ang biglaang-cravings.
3. STOP CHARGING GADGET/S IN YOUR BEDROOM. Maraming napupuyat sa kai-internet dahil fully charged ang gadget o kaya ay ginagamit ang cellphone habang naka-charge at nakahiga sa kama. Agree? Ang blue light mula sa gadget ay nakasisira sa circadian rhythm kung saan hindi ito nakatutulong upang magkaroon ng magandang kalidad ng tulog ang indibidwal.
4. SKIP FOODS LABELED AS “SUGAR FREE”. Kahit may sinusunod na diet, basta sinabing ‘sugar free’, eh, naeengganyo tayong subukan ito. Pero, sey ng experts, lalo itong nakapagpapataba dahil bagama’t, wala itong sugar content, naaapektuhan ng artificial sweeteners ang mahalagang enzymes at hormones sa katawan kung saan nagreresulta ito sa pagtaas ng timbang.
5. HOLD SPOON IN YOUR “WRONG” HAND. Ang mabagal na pagkain ay nakatutulong upang maiwasan ang pag-o-over eat. Dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto na gamitin ang non-dominant na kamay sa pagkain nang sa gayun ay bumagal ang iyong pagkain, gayundin ang paggamit ng chopsticks.
6. BRUSH YOUR TEETH AFTER DINNER. Ayon sa mga eksperto, ang minty fresh breath ay maganda rin umanong paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng after dinner snack. Dagdag pa rito, ‘pag fresh at malinis na ang bibig ng indibidwal, senyales ito na hindi na dapat kumain pa. Copy?
Easy lang, ‘di ba? For sure, kering-keri ninyo itong gawin nang sa gayun ay ma-achieved ninyo ang summer body goals na bet ninyo. He-he-he! Make sure lang na kahit tapos na ang summer, eh, ganito pa rin ang gagawin ninyo, ha?
Okie?





Comments