top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MAGBABALIK ANG 16 TEAMS, SA PREMIER CUP, ABANGERS

A. Servinio
May 5, 2019
2 min read

BABALIK para sa ka­nilang ika-13 taon ang FilOil Flying V Premier Cup, ang pangunahing sagupaan ng mga koponan sa kolehiyo bago magbukas ang kani­lang sariling mga liga nga­yong araw sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Tiyak na aabangan ng mga tagahanga ng 16 ka­saling paaralan kung gaano na kahanda ang kanilang mga paborito lalung-lalo na ang unang silip sa mga rookie.

Lahat ng mga koponan sa NCAA at UAAP ay lala­hok maliban sa University of the East, University of Perpetual Help System-Dalta at ang defending champion na Ateneo de Manila University.

Dahil wala na ang Blue Eagles, mahirap makapili ng mananalo dahil pantay-pan­tay na ang lakas ng lahat.

Dalawang mainit na la­ban sa Grupo A ang bu­bu­ngad sa torneo.

Magtutuos ang San Beda University, ang puma­ngalawa sa Ateneo noong 2018, at University of the Phi­lippines sa tampok na laro ng 4p.m. pagkatapos ng pambungad na laro ng De La Salle University at Uni­versity of Santo Tomas sa 2:00 p.m.

Ang iba pang koponan na nasa grupo ay ang San Sebastian College, Mapua University, Arellano Univer­sity at ang kampeon ng National Capital Region Athletic Association (NC­RAA) na Centro Escolar University na pumalit sa big­lang umatras na Perpe­tual Help.

Ang Grupo B ay kinabi­bilangan ng Adamson Uni­versity, Far Eastern Uni­versity, College of Saint Be­nilde, Lyceum of the Phi­lippines University, Natio­nal University, Colegio de San Juan de Letran, Jose Rizal University at Emilio Agui­naldo College.

Gaya ng dati, maglalaro ng single round ang bawat grupo at ang apat na pinaka­mataas ang kartada ay tu­tuloy sa knockout playoffs na nakatakdang umabot hanggang Hunyo 23.

Magkakaroon din ng All-Star Game na UAAP kontra NCAA sa Mayo 31 at babalik muli ang One-On-One Tournament na pi­nagwagian ni Prince Carlos ng CSB noong 2018.

Mas malaking Juniors Division ang alay ngayong taon tampok ang defending champion na Mapua Uni­versity sa kargadong Grupo A kasama ang Ateneo, San Beda-Rizal, De La Salle-Zobel, LPU-Cavite at Adam­son.

Namumuno sa Grupo B ang kasalukuyang UAAP at NBTC champion Nazareth School of National Univer­sity at ang FEU, JRU, La Salle Green Hills, Perpetual Help at UST.

Mga laro ngayong Linggo – FilOil Flying V Centre: 2:00 DLSU vs. UST: 4:00 San Beda vs. UP.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page