Madali raw kausap… ANDREA, GAME NA GAME SA LAPLAPAN SA IBA'T IBANG LALAKI
- BULGAR

- May 5, 2019
- 1 min read

BEHLAT lang nila!
Ito ang comment ng Calendar Queen na si Andrea Torres sa mga bashers na bumibira sa kanya sa social media.
Walang panahon ang isa sa mga sikat na Bubblets ng Bubble Gang kahit tawagin siyang “retokada” (salamat po, dok byuti) at “makyondi” (malandi). Ang mas mahalaga’y sikat siya, maraming guesting sa mga Kapuso programs at malalaki ang papel sa mga teleserye tulad noon sa Alyas Robin Hood kung saan leading lady siya ni Dingdong Dantes at ngayo’y sa Better Woman opposite Derek Ramsay.
Wala ring paki si Andeng kahit maraming laplapan with her leading men.
“Kahit ano ang ipagawa sa akin ng director, sige lang, lalo’t kailangan sa eksena at sa ikagaganda ng programa,” sey niya.
Maging sa Bubble Gang ay wala rin siyang kiyeme kahit may mga eksena sa gags and jokes na minsa’y ‘di sinasadyang nagkakasakitan sila. Walang pikunan. Tila isang malaking pamilya ang members ng cast na ang inirerespeto bilang tatay o kuya ay si Michael V. na mahusay na timon o piloto.





Comments