top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Karagatan Ni Ronalyn Seminiano Reonico

Writer: BULGAR
BULGAR
May 5, 2019
1 min read

Ako’y naghihintay, ika’y pinanonood magdamag.

Hindi ko batid ang dahilan,

tuwing pagsikat ng araw.

Ako’y gumigising, hinihiling sana ako’y tama,

marahil minsan.

Tuwing gabi’y sabay tayong kumakain at nagtatalo.

Hindi mabasa ang iyong isip, hindi ko maunawaan.

Sinaksihan natin ang paglubog ng araw at paglitaw ng buwan,

tayo’y nagpinta ng mga larawan sa kamay.

Ika’y aking hahabulin at

ako’y iyong masugid na tagahanga.

Sino na ang sasalo sa iyo ngayon?

Ngayong ika’y tumakbo nang palayo, sobrang layo.

Ang aking isip ay itim at asul.

Sa kaibutura’y itinatago ang iyong larawan.

Ngayo’y batid ko na ika’y umalis at lumayo rito,

patungo sa kabilang dako ng mundo.

Ang tanging nais ko lamang ay makasama ka.

Ako’y gumawa ng talaan

naglalaman ng mga awiting iyong kinaayawan.

Ang pag-iisip mo’y ‘di maarok, ngayon ako’y sumusuko na.

Ang iyong tinig ay aking narinig

Ngunit, tayo’y huling nag-usap noong Hunyo.

Ika’y lubos kong hanap-hanap sa tuwina.

Ngayon, ika’y tila multo sa karagatan,

umaalon papalayo nang banayad.

Sa akin, ika’y hindi na muli pang babalik,

aking nabasa iyong elohiyo.

Sino na ang sasalo sa iyo ngayon?

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page