top of page
Pokwang.jpg

Election workers na patay sa sobrang pagod, 474 na

Jersey Sanchez
May 5, 2019
1 min read

INIIMBESTIGAHAN na ang sanhi ng pagkasawi at pagkakasakit ng daan-daang election workers na nagbibilang ng mga boto sa presidential and legislative elections sa Indonesia.

Batay sa rekord ng Komisi Pemilihan Umum (KPU) o The General Election Commission na nag-organisa ng halalan sa bansa, umabot na sa 474 ang bilang ng mga nasawing election workers dahil sa fatigue-related illnesses.

Dahil dito, hinimok ng chairman ng Indonesia Ulema Council ang pagbuo ng kanilang pamahalaan ng fact-finding team na malalimang mag-imbestiga sa insidente.

Dagdag pa nito, dapat kasama ang mga elemento ng civil society sa bubuuing fact-finding team.

Napag-alaman na nagsimula ang pamahalaan ng Indonesia na magbigay ng compensation sa pamilya ng mga nasawi at mga nasa ospital pa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page