Ayaw daw agawan ng eksena ang mister… GUMMY, TODO-TANGGING KUMANTA NG THEME SONG NG SERYE NI JO JUNG

INIIWASAN pala ni Gummy na kumanta ng theme song para sa mga K-dramas ng asawang aktor na si Jo Jung Suk. This was revealed by the singer herself nang mag-guest siya last May 2 sa Cool FM radio show ng KBS na Moon Hee Jun’s Music Show.
May nagtanong na listener kung may posibilidad daw ba na marinig ang boses niya as OST sa mga drama ni Jo Jung Suk at sagot ni Gummy, there were offers talaga pero tinatanggihan niya.
“There were several opportunities for me to sing an OST for a work that Jo Jung Suk was appearing in. However, I turned them down so that the viewers could concentrate (on the drama). I think that’s better,” pahayag ng singer.
Marami tuloy humanga sa professionalism ni Gummy dahil dito. Siyempre nga naman, pag-uusapan kahit paano ang pagkanta niya ng OST sa drama ng asawa and for sure ay maraming komento ang mga netizens tungkol dito especially ang mga fans nila. Marahil ay ayaw nga itong mangyari ng singer dahil mas mapo-focus sa kanila ang usapan kesa sa drama.
Isa si Gummy sa mga OST Queens sa South Korea dahil isa talaga siya sa mga laging kinukuha na kumanta ng K-drama theme songs. Napakarami na niyang nagawang OST tulad ng You Are My Everything ng Descendants of the Sun, Moonlight Drawn by Clouds of Love in the Moonlight, Snowflake ng That Winter The Wind Blows at marami pang iba.
Gummy and Jo Jung Suk dated for 5 years bago sila nagpakasal noong October, 2018.





Comments