Rider dedbol sa mga armado
SULTAN KUDARAT—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang pagbabarilin sila ng dalawang hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Kapingkong, Lambayong sa lalawigang ito.
Nakilala ang nasawi na si Budsal Galay, samantalang, ang sugatan ay si Amir Aliman, kapwa residente sa nasabing bayan.
Nabatid na habang minamaneho ni Galay ang kanyang motorsiklo at kaangkas si Aliman ay biglang sumulpot ang dalawang suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Galay.





Comments