top of page

Para sa mga problematic diyan dahil masungit ang future biyenan...  TIPS KUNG PAANO MAGUGUSTUHAN NG

  • Donna Thea Topacio
  • May 4, 2019
  • 2 min read

No Problem

ANG pagharap sa magu­lang ng taong gusto mong makasama, habambuhay ay parang pagsusulit na kawawa ka kapag bu­magsak ka, kaya kaila­ngan mong mag-aral nang mabuti. Alam natin na marami sa mga kabataan ngayon ang problemado dahil ang mga magulang ng dyowa nila, eh, sob­rang istrikto, kaya, narito ang ilang tips kung paano kayo magugustuhan ng magulang ng inyong nililigawan:

1. BE TRUE TO YOURSELF. ‘Ika nga nila, hindi ka magugustuhan ng ibang tao kung ikaw mismo sa sarili mo ay hindi nagpapakatotoo. Sa totoo lang, walang masama sa pakikisabay sa iba, pero iba pa rin kapag ‘unique’ ka.

2. KNOW HOW TO RESPECT. Siyempre, kung gusto mo na inire­respeto ka, matuto ka ring rumespeto sa iba, lalo na at magulang ‘yan ng taong mahal mo na maaari mong maging in-laws.

3. BE OBEDIENT. Kung nagkataong nandu’n kayo sa bahay ng BF o GF ninyo, matuto tayong tumulong sa gawaing-bahay o kaya ay ipakita natin na hindi tayo basta bisita na lang. Ganern!

4. LOVE THEIR DAUGHTER/SON WHOLEHEARTEDLY. Of course, kapag nakita ng mga magulang na may taong nagmamahal sa kanilang anak, matutuwa sila, lalo na kung du’n masaya ‘yung anak nila, pagkatapos, totoong-totoo pa at seryosohan na.

5. GIVE A GIFT. Ang pagbibigay ng materyal na bagay ay malaking points para sa kanila dahil hindi lang pera ang ibinibigay mo kundi maging ang time at effort mong bumili ng regalo. Oh, ‘di ba, bongga?

6. ACCEPT THEIR PERSPECTIVES IN LIFE. Ang bawat pamilya ay may kani-kanyang pamahiin, tradisyon at kultura, kung willing ka talagang maging parte ng pamilya nila, matuto kang mag-adjust at tumanggap.

7. TAKE AN INTEREST IN THEIR HOBBIES. Sa oras na naki­pagkuwentuhan ka, dapat ay iparamdam mong interesado ka sa topic na inyong pinag-uusapan. Sa ganyang paraan, mas mabilis mo silang makakasundo.

8. LISTEN AND OBEY. Kung pinagsasa­bihan kayo, matuto kayong makinig at sumunod nang sa gayun ay ‘good shot’ kayo at payagan kayong umalis kahit late na, ‘yung tipong wala ng curfew. He-he-he!

Sabi ng iba, “kung mahal mo, wala ng kasi-kasi, wala ng pero-pero, kaya kahit gaano pa kaistrikto o kasungit ang magulang ng taong gusto mo, lumaban ka at huwag kang matatakot. He-he-he!

Basta, tandaan ninyo ang mga tip na ito nang sa gayun ay magustuhan nila kayo.

Okidoki?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page