top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nakahanap ng katapat kaya 'di malimutan sa lahat ng ex niya… UGALI NI KRIS, 'DI UMUBRA KAY M

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4, 2019
  • 1 min read

HINDI ikinahihiyang aminin sa publiko ni Kris Aquino na sa lahat ng lalaking kanyang minahal at nakarelasyon ay ang mayor ng Kyusi na si Herbert Bautista ang hindi niya basta-basta malilimutan.

Mataas ang respeto ni Krissy kay Mayor Bistek dahil isa raw itong “honest man”. Kaya naman nangako si Kristeta na hindi na rin niya guguluhin at babanggitin pa si Mayor Herbert sa anumang interview sa kanya o maging sa post niya sa social media.

Sey naman ng mga supporters ni Mayor Bistek, nakatagpo lang ng katapat si Kris. Hindi kasi si Mayor HB ang tipo ng lalaking puwede niyang diktahan at pasunurin sa lahat ng kanyang gusto sa buhay.

Matalino rin si Mayor HB and he’s a self-made man, may prinsipyo at paninindigan. Hindi siya nasilaw at na-intimidate sa power at yaman ng isang Kris Aquino. Hindi niya kinunsinti ang pagiging brattinela ni Kris.

Hindi man senador, bilyonaryo at prinsipe si Mayor Bistek, may mga katangian siyang puwedeng ipagmalaki ng babaeng magmamahal sa kanya nang tunay.

Sinasaluduhan namin ang pagbibigay ng pra­yoridad ni Mayor Bistek sa kanyang mga anak kesa sa sariling kaligayahan lang.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page