top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga active sa socmed, maging aktibo rin sa pagboto

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4, 2019
  • 1 min read

KASABAY ng paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa darating na halalan, patuloy din itong nagbibigay-paalala sa bawat isa.

Pinaalalahanan ang mga botante na huwag tumanggap ng pera mula sa mga kandidato bilang kapalit ng boto.

Pera lamang ang makukuha mula sa kandidato kung ito ay mananalo at hindi na ito puwedeng hingan ng tulong dahil ‘nakabayad’ na gayundin, magkakaroon pa ito ng ideya na walang dapat ikabahala sa paggawa ng mali.

Kaya bumoto tayo depende sa ating konsensiya.

Ang pagbili at pagbebenta ng boto ay malinaw na paglabag sa batas at may kaakibat na parusa.

Tandaan na ang layunin ng halalan ay upang mamili ng lider na may kakayahang mamuno at magsilbing mabuting halimbawa sa kanyang nasasakupan.

Samantala, inaasahan din ang mas mataas na voter's turnout ngayong 2019 Midterm Elections.

Posibleng umabot sa 80 hanggang 81 percent ang voter's turnout sa nalalapit na eleksiyon.

Ito ay base sa inabot na 81 percent voter's turnout noong 2016 Presidential Elections.

Maliban dito, nakikita rin na interesado ang maraming Pilipino base sa mga pahayag o saloobin ng mga netizen sa social media.

Sana, hindi lang hanggang sa socmed aktibo ang mamamayan, lalo na ang kabataang botante.

Maglaan tayo ng panahon para piliin ang mga kandidatong tunay na may malasakit sa bayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page