Kaaway, pinatawad daw 'di dahil nagsori sa kanya… HIRIT NI KRIS: PARA MAWALA NA ANG MGA SAKIT KO
- BULGAR

- May 4, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

NOONG Huwebes at kahapon (Biyernes) ginawa ang medical test ni Kris Aquino, pero three weeks pa niya malalaman ang complete results. Kasama ang pamilya, mga kaibigan at supporters sa mga nagdarasal na maging maganda ang resulta ng blood chemistry na ginawa sa kanya.
Samantala, bago pa man matuloy ang mediation nina Kris at Nicko Falcis, binuksan nito ang kanyang puso na patawarin ang mga nagkasala sa kanya.
Nag-post ng quotation card si Kris na ganito ang laman: “Today I decided to forgive you. Not because you apologized, or because you acknowledged the pain that you caused me, but because my soul deserves peace.”
Sabi ni Kris, hindi siya gagaling kung may galit sa puso niya at may dinadala siyang mabigat sa dibdib niya.
Tinapos ni Kris ang post sa: “I’ll take care of myself, Kuya Josh, and Bimb... Problema n’yo na at bahala na sa inyo ang DIVINA LAW.”
Kapag maganda ang result at nabigyan ng clean bill of health ng kanyang doctor si Kris, puwede na niyang gawin ang offer na project ng Globe Studios na pinaniniwalaang pelikula.





Comments