top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hipag, ayaw daw makasama ang utol niya sa serye… RANDY, WA' PAKI SA AWAY NINA RAYMART AT CLAUDIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4, 2019
  • 1 min read

UNAFFECTED si Randy Santi­ago sa mga pahayag ni Claudine Barretto sa Tonight with Boy Abunda tungkol sa kapatid niyang si Raymart Santiago na kabilang na sa FPJ’s Ang Probinsyano sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Sabi kasi ni Claudine kay Tito Boy Abunda, if ever alukin siyang mapasama sa Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin, dapat ay wala na sa serye si Raymart.

Sa ganu’ng pahayag ni Claudine, kinuha namin ang reaksiyon ni Randy.

Buhay nila ‘yan. Matatanda na sila. Saka, away nila ‘yan,” pahayag ni Randy nu’ng makasalubong namin siya sa labas ng studio ng It’s Showtime.

Kahit nagbabalik-Kapamilya Network si Claudine, hindi pa raw nagka­roon ng chance na magkita or magka­sa­lu­bong sila ng estranged wife ni Ray­mart, habang si Randy naman ay kabi­lang sa mga hurado ng It’s Showtime.

Nag-MMK siya pero sa labas naman ang taping noon. At kahit gu­mawa siya ng movie with Piolo (Pas­cual), sa labas naman kukunan ‘yun, hindi sa studio. Kaya parang wala namang chance na magkita kami,” esplika ni Randy.

Again, we asked Randy kung kai­lan naman siya lalabas sa Ang Pro­binsyano since nandoon na ang younger brothers niyang sina Raymart at Rowell San­tiago.

Ako ang gumawa ng kanta sa Ang Probinsyano, ibinigay ko ‘yun sa kanila,” pagri-reveal niya.

Hindi raw nagpabayad si Randy sa ginawa niyang kanta for Coco’s series. Happy na raw siya na napapakinggan ang kanta niya sa Ang Probinsyano.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page