Boyzone Thank You and Goodnight Farewell Tour

Muling magbabalik ang Irish 90s boy band na Boyzone sa Manila upang mag-perform sa ikatlong pagkakataon.
Ang grupo na binubuo nina Ronan Keating, Keith Duffy, Mikey Graham at Shane Lynch ay ang nagpasikat ng mga kantang Love Me For A Reason,” “No Matter What” at “Everyday I Love You.”
Magaganap ang kanilang concert sa Mall of Asia Arena sa Hunyo 23,2019 na magsisimula ng 8pm. Ito ay para sa kanilang Thank You and Goodbye Farewell Tour.
Kinumpirma rin ng grupo na tuluyan na silang magdi-disband pagkatapos ng kanilang huling tour.
TICKET PRICES
VVIP - ₱7,300.00
VIP SEATED - ₱6,800.00
VIP LB - ₱5,800.00
GOLD LB - ₱4,800.00
UPPER BOX - ₱2,600.00





Comments