top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

T’BLAZERS, 1-1 NA SA NUGGETS HARDEN AT CURRY, LALARO BA?

Writer: BULGAR
BULGAR
May 3, 2019
2 min read

UMISKOR si C.J. McCollum ng 20 puntos, may 15 puntos si Enes Kanter at 9 rebounds nang gulantangin ng Portland Trail Blazers ang host Denver Nuggets, 97-90, sa Game 2 ng kanilang Western Conference NBA semifinal series kahapon.

Dumagdag si Rodney Hood ng 15 puntos habang si Damian Lillard ay nakaiskor ng 14 para sa Blazers na ipinatas na ang serye sa tig-isang panalo, 1-1. May naiambag si Al-Farouq Aminu na 11 points at 10 rebounds, umiskor si Zach Collins ng 10 points.

Sa kabilang banda, nakagawa si Nikola Jokic ng 16 points at 14 rebounds habang may 15 si Jamal Murray para sa Denver. May nabasket na 14 points para sa Nuggets, 11 rebounds sina Paul Millsap, 13 points mula kina Malik Beasley at 12 points mula kay Gary Harris. Ang susunod na dalawang laro ay sa Portland sa Biyernes at Linggo.

Samantala, inaasahan naman na sasalang sa Game 3 sina James Harden at Stephen Curry. Wala namang napinsala sa mga mata ni Houston Rockets guard James Harden at inaasahang malinaw ang kanyang mga mata sa Game 3 kontra Golden State Warriors sa ulat ng ESPN.

Pero ayon kay Harden, nanlalabo pareho ang kanyang mga mata dahil sa injuries noong Martes ng gabi, ngunit tila hindi magpapahinga ang reigning MVP dahil pakay ng Rockets na makabawi mula sa 2-0 na kalamangan ng GSW.

Bago ang unang quarter ng Game 2, nasapok ng kaliwang palad ni Warriors Draymond Green ang kanyang mga mata at nagkasugat ang kaliwa niyang talukap ng mata. Matapos ang 11 minutong first aid, nagbalik si Harden sa laro, pero napapangiwi at napapapikit siya sa sakit ng mata maging sa post game press conference. Samantala, nakaiskor ng 20 points si Curry kahit may finger injury sa 2nd quarter na kailangang ipa-x-ray. Pero ready naman daw siya sa Game 3. “It hurts, but it’s all right. Didn’t break anything. Fortunate, and some higher power’s looking out for me on that one. Just gotta deal with pain and hopefully, before Saturday, that goes away and will be fine.” (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page