Pusher tiklo sa checkpoint
ANGELES CITY—Isang drug pusher ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Pampanga sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Aminodiing Ali, nakatira sa nasabing lungsod.
Nabatid na napadaan sa police checkpoint si Ali at nang kapkapan ng mga awtoridad ay nakumpiskahan ito ng dalawang sachets ng shabu.
Ayon sa ulat, isa si Ali sa mga drug pusher sa lungsod na ngayon ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments