Pinay, binaril ni mister sa harap ng anak
PATAY ang isang Pinay matapos barilin ng dating asawa sa harap ng kanilang anak sa Las Vegas.
Naganap ang insidente sa labas ng kanilang bahay sa Silver Saddle St. malapit sa Desert Inn Road at Eastern Avenue kung saan nagbaril din sa sarili ang suspek.
Kinilala ang Pinay na si Karen Gotidoc, 34, at dating asawa nitong si Fernando Lopez.
Ayon sa Metro Police, dumating sa bahay si Karen at ang 4-anyos na anak at paglabas pa lamang sa kotse, tinutukan ng suspek ng baril ang biktima.
Rito nakiusap ang Pinay sa kapitbahay na kunin muna ang bata pero, agad siyang binaril ng suspek.
Pagtapos nito, binaril din ni Fernando ang isa pang residente at kapitbahay na nakaganti naman ng putok.
Hindi pa mabatid kung ang kapitbahay ang nakabaril sa suspek o namatay ito sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.
Napag-alaman na ikinasal ang dalawa noong 2015 at nag-divorce noong nakaraang taon.





Comments