Manager, 'di nakatiis, nagsalita na… TF NI MAINE, BAGSAK-PRESYO NA NANG MAHIWALAY KAY ALDEN
- BULGAR

- May 3, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SA pagkakabuwag ng phenomenal love team nina Maine Mendoza at Alden Richards na AlDub, marami ang nag-aakala na mababawasan ang mga produktong magtitiwala kay Yaya Dub at kukuha sa kanya bilang endorser, pero kabaligtaran ang nangyari dahil tuluy-tuloy pa rin at maraming produkto ang nagtitiwala sa kanya para maging endorser.
May balita pa ngang kumakalat na kaya raw marami pa ring product endorsements si Maine ay dahil nagbaba o nagbagsak-presyo siya ng talent fee.
Mariing itinanggi ito ng talent manager ni Maine na si Rams David na nagsisilbi ring presidente ng Triple A Management.
Ani Rams, “Ang galunggong nga, tumataas, bakit ako magbababa ng presyo?”
“Ang dami nilang hanash o kung anu-anong kuwento. Eh, di tumawag sila sa BIR [Bureau of Internal Revenue] at tanungin nila kung ano ang stand ng bata.
“Kasi she’s a good taxpayer, open book naman lahat ng aming hinahawakang accounts at alam ‘yan ng BIR.”
Ayon sa talent manager ni Maine, hindi niya puwedeng i-disclose kung magkano ang binabayaran nito sa BIR, pero nakakasigurado siya na isa ang TV host sa mga artistang nagbabayad ng malaking buwis taun-taon.
Patuloy ng manager ni Maine, “And it’s not true. Ako, magbababa ng presyo? Bakit?
“Hindi ba puwedeng maraming endorsements kasi marami ang nagtitiwala?
“Marami ang nagtitiwala kay Maine and believes that Maine is a good endorser of their product,” pagdidiin nito.
Hindi rin daw basta-basta kumukuha ng mga produktong ieendorso si Maine dahil kagaya ni Marian Rivera, sinisigurado nitong pinaniniwalaan niya ang mga produkto at ginagamit talaga.
Aniya, “In fairness, she uses all the products na ini-endorse niya.
“And that’s one genuine thing and, like Marian [Rivera], she doesn’t indulge herself sa product na hindi niya pinaniniwalaan.
“So, ganu’n din si Maine.
“And I believe, ‘yung dami ng produktong hinahawakan niya ngayon is because she is a good endorser or influencer of such products,” ang naging pahayag ni Rams David.





Comments