Kahit pa box office ang movie nila ni Daniel… ACTING NI KATHRYN, INISNAB NG MGA AWARD-GIVING BODIES
- BULGAR

- May 3, 2019
- 1 min read

KUNG nagpoprotesta man ang mga tagahanga ni Kathryn Bernardo dahil inisnab ng ilang award-giving bodies ang ipinakita niyang galing sa pag-arte sa pelikulang The Hows of Us na kapareha si Daniel Padilla, maipagmamalaki naman daw nila na ang naturang pelikula ang maituturing na all-time box office at highest-grossing Tagalog movie.
Nilampasan na nito ang kinita ng lahat ng Vice Ganda movies at wala pang nakakatalo sa record ng The Hows of Us. Tiyak na matagal ding matatandaan ito ng mga moviegoers.
Napakasimple ng pelikula and yet, maraming young couples ang naka-relate sa istorya. Nagmarka rin ang role na ginampanan dito nina Kathryn at Daniel.
At dahil bankable star si Kathryn, patuloy ang pagdating sa kanya ng mga product endorsements. May bago pa siyang pelikula ngayon with Alden Richards na idinirek ni Cathy Garcia-Molina.
Hindi naman nagmamadali si Kathryn Bernardo na magkamit ng acting award. Darating ‘yun sa tamang panahon.





Comments