Driver dedbol sa van
QUEZON—Isang driver ang namatay nang aksidenteng mabangga ng van ang minamaneho nitong motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Ilayang Dupay, Lucena City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Leopoldo Joco, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng van na minamaneho ni Reynaldo Batoto kaya aksidenteng nabangga nito ang kinalululanang tricycle ni Joco.
Dinala pa ng mga saksi si Joco sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Batoto.





Comments