LETRAN AT CSB, HANGAD ANG PLAYOFFS SA D-LEAGUE


MAPALAKAS ang kani-kanilang tsansa na umabot ng playoffs ang kapwa hangad ng Petron-Letran at Go for Gold-CSB sa kanilang pagtutuos ngayong hapon sa 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Parehas galing ang Knights at ang Scratchers sa back-to-back wins at kapwa sila tatarget ng ikatlong sunod sa pagtutuos nila sa ikalawang laro ng 2 p.m.
Hangad ng Knights na patatagin ang kapit nila sa no. 3 spot ng Aspirants Group.
“Baka mabigyan tayo ng chance na makaabante sa next round, so every game, we have to prepare and execute,” wika ni coach Bonnie Tan.
“I like how we’re battling and staying composed,” ayon naman kay Scratchers coach Charles Tiu na naghahangad umangat sa taglay nilang patas na markang 3-3.
Sa iba pang mga laro, magtatangka ang St. Clare College Virtual Reality (4-2) na palakasin ang tsansa nilang umabot ng playoff sa pagsagupa nila sa out of contention ng McDavid (1-6) sa pambungad na laro ganap na alas-12:00 ng tanghali.
Susundan ito ng duwelo ng Marinerong Pilipino (3-3) at Diliman College-Gerry’s Grill (3-3) na tatangkaing pumantay sa ikatlong puwesto ng Foundation Group kung saan solong nakaluklok ngayon ang Cha Dao - FEU sa kanilang pagtatagpo ganap na 4 p.m.
(VA)





Comments