Laborer tinodas ng ex-soldier
Pabs Hernandez III
May 2, 2019
1 min read
APAYAO—Isang laborer ang namatay nang barilin ng dating sundalo, kamakalawa sa Bgy. Poblacion West, Flora sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Ronald Busay, samantalang, ang suspek ay si Silverio Juan, dating sundalo ng Philippine Army (PA).
Ayon sa ulat, nakatayo ang biktima nang lapitan at barilin ito ng suspek.
Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments