top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahulugan na magiging sagana ang buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 2, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Marilou ng Marilou_Rodelas@face- book.com

Dear Professor,

Ano ang kahulugan ng nanaginip ako ng puno na hitik sa bunga, kulay puti na hugis mang­ga, tapos, kumuha ako ng bunga at maraming nalaglag at kasinlasa niya ‘yung singkamas, kaya nag-uwi ako ng isa?

Naghihintay,

Marilou

Sa iyo Marilou,

Ganito ang sabi, may takdang panahon ang lahat ng bagay sa ilalim ng lupa. Ito ‘yung madalas mong ma­rinig na “there is a season for every­thing”.

Pero, ang tanong, paano malala­man kung ang takdang panahon ay darating na?

Pagmasdan mo ang mga halaman, nalalagas ang mga dahon at muling nagkakausbong at ang mga usbong ay magiging ganap na dahon at muling mamumulaklak at mamumunga.

Kumbaga, hindi biglaan ang pa­mumunga dahil may mga paunang kaganapan.

Dito sa mundo, ayaw nga lang maniwala ng iba na may umiiral na sistema na ang mga pangyayari ay hindi mga sorpresa na bigla-bigla na lang nagaganap.

Bago dumating ang tinatawag na kamalasan ay may mga pauna ng babala. Sa ganitong katotohanan, ibinabalita ng iyong panaginip na dumating na ang takdang mga araw na ang buhay mo ay mananagana, as in, ang kasa­ganahan ay mapasasaiyo.

Ayon sa buhay mo, hindi ka ma­tu­tulad sa mga taong gumanda ang buhay at nagpakasasa sa yaman kung saan gastos nang gastos at nabaliw na sa kasiyahan.

Dahil masasalamin sa panaginip na kahit maging masarap ang buhay mo, ikaw ay mabubuhay na may limi­tasyon sa lahat ng bagay.

Ito ay palatandaan na mas ma­mahalin ka ng langit dahil mas pina­paboran ng nasa itaas ang mga taong kontrolado ang kanilang buhay.

Ang mga nagyayabang ay langit mismo ang makakalaban, kaya sa huli, ang hatol sa kanila ay dapat silang tu­ruan ng leksiyon nang sa gayun ay hindi na sila pamarisan.

Ikaw na nabubuhay sa kaayusan ay magsisilbing huwaran ng marami at kikilalanin ka sa pagiging matino sa kabuhayan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page