top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

GOLDEN BOY OBIENA, KAKAMPANYA SA DIAMOND INVITATIONAL ATHLETICS

Clyde Mariano
May 2, 2019
1 min read

MATAPOS ang tatlong linggong pahinga at ipagdi­wang ang tagumpay sa pole vault sa Asian Athletics, babalik si Ernest John Obiena sa Qatar at sasali sa Dia­mond Invitational Athletics na aarangkada sa Mayo 5 kontra sa mga bigating kalaban sa mundo kasama ang United States, Poland at Brazil.

Matapos ang nasabing torneo, babalik muli si Obiena sa pangatlong beses sa tiny oil-rich kingdom sa Middle East sa Setyembre at lalahok sa International Athletics Association na sanctioned ng World Athletics Cham­pionship bilang pag­kilala sa kanyang panalo sa Asian Athletics kung saan tinalo ang mga kalaban sa region na may basbas ng Asian Athletics Asso­ciation.

Si Obiena ang pangatlong Pinoy na inimbitahan sa prestihiyosong torneo kung saan lumahok din sina Olympians Eduardo Buenavista, Rene Herrera at Filipino-American Eric Shauwn Cray na ginawa sa Paris at London.

Ang World Athletics ay final tune up ni Obiena sa 30th Southeast Asian Games kung saan itataya ng 23-anyos, 6-foot-1 ang korona bilang “king of pole vault” na napana­lunan sa Malaysia na dating hawak ni Puranot Purahong ng Thailand.

Mataas ang morale at in fighting form, sinabi ni Obiena ang training sa Italy sa masusing gabay ni Ukraine coach Vitaly Petrov ay gagawin at pipilitin niyang manalo at bibig­yan muli ng karangalan ang bansa para makuha ang pagkilala at paghanga ng mga kalaban na ngayon lang niya makahaharap.

Si Obiena ang tanging atleta sa Southeast Asia at unang Pinoy na inanyayahang sumali sa nasabing paligsahan bilang pagkilala sa kanyang tagumpay sa Asian Athletics na gumawa ng bagong meet record na 5.71 meters at kinilalang “King of pole vault in Asia.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page