Gagastusan daw talaga ang mga block screenings… FANS NINA KATHRYN AT ALDEN, GAGAWIN LAHAT 'WAG L
- BULGAR

- May 2, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

HALATANG excited na ang mga fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na mapanood na ang Hello, Love, Goodbye, ang Star Cinema movie ng dalawa sa direction ni Cathy Garcia-Molina. Hindi pa man kasi tapos ang shooting, nag-i-schedule na ng block screening ang mga fans ni Kathryn.
Susunod na mag-i-schedule ng block screening ang mga fans ni Alden at ang maganda, may usapan ang dalawang kampo ng fans na magsama silang magpa-block screening. Usapan din nila na magtutulung-tulong para maging box office hit ang Hello, Love, Goodbye.
Sa May 3 na raw ang last shooting day sa Hong Kong nina Kathryn at Alden, pero may mga eksena pang kukunan dito. Sa July pa raw ang playdate ng movie, kaya may enough time pa para tapusin ni Direk Cathy ang pelikula.
Kung sa May 4 o 5 babalik from HK si Alden, may time pa siyang mag-rest kahit isang araw lang bago sumabak sa rehearsal para sa Studio 7 Musikalye bago sila lumipad ni Kyline Alcantara for New York sa May 9 para sa May 11 show.





Comments