Sa edad na 20… NASH, PROUD NA MAY SARILING BAHAY NA SA TATE

Beth Gelena / BULGARY FILES

SA edad na 20, marunong nang humawak ng pinagkakakitaan niya ang young actor na si Nash Aguas. Sa pagkakaalam namin ay may eatery business na si Nash somewhere in Quezon City.
This time, very proud si Nash na may nabili na siyang bahay sa Amerika. Sa kanyang Instagram account ay ibinalandra ni Nash ang mga dokumento ng nabiling bahay sa U.S. Nilagyan niya ito ng caption, “Finally, this house is officially and legally mine!!!! Thank you po!”
Marami sa mga kasamahan niyang celebrities sa Kapamilya Network ay bumati sa kanyang bagong achievement.
Isa si Neri Naig sa mga nag-congratulate sa young actor. Textmates ang dalawa at sa palitan nila ng mensahe, sinabi ni Nash na pinasasalamatan niya ang ina sa pagtuturo kung paano humawak ng perang pinaghihirapan.
Ani Nash: “Dahil po iyon kay mommy, hehe sobrang kuripot n’ya po kasi, jkjk pero magaling po kasi siya mag-save kaya natutunan ko po sa kanya iyon. Saka dahil na rin po sa tito at tita ko sa States na tumulong sa ‘kin maayos lahat para maging possible ‘yung pag-invest ko ng bahay sa US.”





Comments