top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nakilala raw sa rehab… BARON, PAKAKASALAN NA ANG PSYCHOLOGIST GF

Writer: BULGAR
BULGAR
May 1, 2019
1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

“PAGOD na ako sa laro, sa pag-party. Gusto ko na ring magkaroon ng sari­ling pamilya,” ang naging pag-amin ng nagbabalik-actor na si Baron Geisler sa interview niya sa PUSH entertainment portal at du’n nga ay sinabi rin niya ang plano niyang pagpapakasal sa kanyang psychologist girlfriend.

Ayon kay Baron, sa Cebu siya nga­yon nakabase at doon na rin niya nakilala ang kanyang fiancée na si Jamie Marie Evangelista.

Balita ni Baron, “Tapos na kami sa engagement part. Three months ago pa ‘yun.”

Eight months na silang mag-on at naging opisyal daw ang kanilang rela­syon noong September, 2018.

Kuwento ni Baron, “Psychologist si Jamie. She works sa rehab, freelance psycho therapist siya. She teaches college students also. Kinukuha siya ng mga rehab center para tumulong sa mga addict at alcoholic.”

Hindi naman tago sa lahat ang mga pagsubok na pinagdaanan ni Baron kung saan ilang beses siyang naglabas-masok sa rehab center dahil sa kanyang addiction sa alak na nagdulot ng pagkakasangkot niya sa iba’t ibang kontrobersiya sa loob at labas ng showbiz.

Ang pinakanagustuhan daw ng aktor sa kanyang fiancée, “She’s very patient sa akin. Alam niya kung paano ako timplahin. Super happy ako kasi maalaga siya.”

Dagdag pa niya, “When I had nothing, wala pa ‘yung barber shop ko, nu’ng walang-wala ako, she supported me. Kasi ang buong pag-aakala ko, wala na akong babalikan sa showbiz, kaya nagtayo na lang ako ng business.”

Ang tinutukoy na business ni Baron ay ang kanyang Gents Barber Shop na kanyang itinayo sa Cebu.

Sa ngayon, guest actor siya sa top rating serye na Ang Probinsyano.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page