May kina-career sa socmed… YOUNG ACTRESS NA IMINA-MATCH SA GUWAPONG AKTOR, KALAT NANG TIBO, TODO-I L
BLIND ITEM:
KAYA natsitsismis na tibo ang magandang young actress na ito ay dahil ang hilig mag-“I love you” sa mga aktres na kasama niya sa network.
Hindi kuntento si young actress na nagla-like lang at nagko-comment sa mga posts ng mga kapwa niya talents sa network. Laging may kasamang “I love you” ang mga comments niya.
Ilang beses na naming nabasa ang pangalan ng young actress sa mga posts ng kapwa niya aktres na kadalasan, hindi naman niya ka-close. Madalas, tatapusin niya ang comment ng “I love you.”
Kapansin-pansin din na hindi sinasagot ng sinasabihan niya ng “I love you” si young actress, dinededma lang siya.
Walang masama kung tibo si young actress. Sana lang, hindi madismaya ang kanyang mga fans na isini-ship pa naman siya sa isang guwapong aktor.





Comments